Simbang gabi na naman
Tayo gising na patulog pa lang ang buwan
Ang simoy ng hangin
Dahan dahan na humahaplos
Sa mukha ng bawat tao
Bumabagsak-bagsak pa ang mata
Dahan dahang kumislap
Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
Kung san magkasama tayong
Nagdasal at nakinig sa Misa de Gallo
Pagdating ng Ama Namin ang oras huminto
Nang magkahawak ang ating mga kamay
Humawi'ng mga ulap at sabay
Nagsi-awit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila, ang sabi nila
Pagkatapos magsimba
habang hinahatid kita sa iyong tahanan
Parang walang katapusan ang ating kuwentuhan
Tungkol sa mga buhay ng isa't isa ako'y nahalina
Nang mapadaan tayo doon sa may tindahan
Humawi'ng mga ulap at sabay
Nagsi-awit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila, ang sabi nila
Natapos din ang siyam na araw ng Simabng Gabi
Ang sabi ko sa sarili baka ito na'ng huli
Pero mula nung unang Ama Namin
Na ang iyong kamay ay hinawakan
Di mo na binitawan
Nagsi-awit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila, ang sabi nila
O ang sabi nila, ang sabi nila
Bilihan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Bilihan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Ben&ben - Bibingka Şarkı Sözüne henüz yorum yapılmamış. Ben&ben - Bibingka şarkı sözüne ilk yorumu siz yaparak katkıda bulunabilirsiniz.;