Ako Po'y Isang Bata Na Nananawagan Sa Pamahalaan Na Linisin At Pagandahin Ang Ating Kalikasan
Ito'y Hindi Lamang Saking Pananawagan
Kundi Ito Ay Para Sa Lahat. Maraming Salamat Po
Nakakalasong Kemikal Ng Mga Pabrika Sa Daming Pwede Mong Tapunan Bakit Ba Sa Ilog Pa
Pati Mga Basura Nakakalat sa Kalsada Kaya Tao Sa Paligid Ay Naaantala
At Kapag Nandyan Na Ang Mga Trahedya Nadadamay Pa Mga Taong Walang Sala
At Tuwang Tuwa Ang Mga Taong May Gawa Na Sumisira Sa Kaloob At Kanyang Mga Biyaya
At Puputol Lang Ng Puno Sobrang Dami Pang Kumuha Ayaw Pa Tumigil Gusto Pa Nilang Manira
Kapag Ikay Gumawa Sa Kanya Ng Masama Ikay Magdudulot Ng Poot Sa Iyong Kapwa
At Kailan Pa Ba Matatapos Ang Problema Kapag Wala Ka Ng Mahal Sa Buhay At Kasama
Kaya Magsisi Ka Na Habang May Panahon Pa
Dahil Pagdating Din Sa Huli Ikaw Ay Magsisisi Ka
Chorus
hanggang kailan ba magtatagal ang pagpapahirap mo
di kaba kontento sa mga biyayang natatanggap mo
di mo ba nararamdaman ang unti-unting pag-init ng mundo
kung ayaw mo nang maranasan to... simulan mo nang magbago
Di mo Ba Naisip Nawalan Ng Mahal Sa Buhay
Di mo ba naisip dulot ng pagtapon sa mga hukay
Hanggang ngayon ba ay di mo pa din alam ang
Mga epekto ng pagtapon kung saan-saan
Tas iihi ka na lang bakit dun pa sa kalsada
Para namang wala kang natutunan sa eskwela
Puputol pa nang puno para lang gawing panggatong
Ang masaklap pa ditto di mo binigyang pamatong
Iiyak iyak ka dyan na para bang isang bakla
Kundi mo pinutol iyon wala na sana pang baha
Tas kapag nagkasakit ikaw pa ang siyang galit
Eh kasalanan mo naman kung bakit nag-iinit
Ang lakas pang manakit sa mga punong walang laban
Di dahil di sila lumalakad ay ganun-ganon na lamang
Tandaan mo naman na kaylangang ingatan sila
Dahil ito ay bigay lang ng ating panginoong ama
Repeat Chorus
Bakit niyo ba pinuputol ang libo libong mga puno
yan tuloy ating bundok unti-unti nang gumuguho
Para lamang makaluho wawa sakin ang paligid
di muna iniisip maaaring mangyaring panganib
palagi na lang kayong putol dito putol don
na nangiging sanhi ng pabago-bagong panahon
at basta basta lang tinatapon ang mga basura
tapos nagtuturuan kapag andiyan na ang parusa
sino bang dapat magdusa at dapat na sisihin
tayo rin naman diba bakit di mo pa aminin
sa inyo bang pangingisda kailangan mag-moro ami ng sagana ang yung kita at marami kang mahuli
tandaan ang ginagawa mo ay merong kapalit
maaaring matamis o di kaya'y mapait
kaya'y ikay magbago na hanggat maaga pa lang
dahil baka ang kapalit ay ang mahal mong nilalang
Repeat Chorus
Pagmanghuhuli Ng Isda Kailangan Ba Ng Dinamita?
Kailangan bang manira ng bundok sa pagmimina
At bakit pati basura di maitapon ng maayos
Tapon dito, tambak diyan hanggang kalian to matatapos
Pagnandyan na ang unos at iba't-ibang trahedya
Bagyo,lindol,baha na magdudulot ng problema
At magbubunga ng walakang pagkasawi
Ng bawat isang pinoy na biktima ng paghiganti
Ng kalikasan paulit-ulit nang nararanasan
Wala paring pagbabago dito sa sariling bayan
Na Parang nagingtahanan narin ng mga bigo
Na saan ang kaunlarang sinasabi mong binuo
Kaya kalian ka magbabago kalian ba kikilos
Upang ang kahirapan sa pinas ay maigapos
At tuluyan ng umagos ang pagmamahal kay inay
Na nagbigay ng mga bagay upang tayo ay mabuhay
Repeat Chorus
Alam Niyo Ba Kung Pagmamasdan Lang Ang Ating Kalikasan
Napakarami Ng Mga Puno Ang Tila Nababawasan
Dahil Sa Kagagawan Ng Mga Taong Umabuso
Kung Kayat Ang Panahon Ay Biglang Pabagu-bago
at pagkakaroon ng kalamidad sating bansa
tulad na lang nang pag-ulan at tuluyan pagbaha
kaya maraming mga tao ang sadyang nababahala
kung kaya't ang kapaligiran unti-unti nang nasisira
kung ganito ang sitwasyon saan kapa mananatili
at kapag merong nasawi doon kalamang masisisi
ang ganitong sitwasyon di ba lubha ngang masakit
hahayaan mo pa ba na ika'y magkasakit
kung ayaw mo 'tong mangyari kalikasan ay linisin
wag sirain dapat nga ito ay pagyamanin
upang ang iyong lugar gumanda ang sitwasyon
kinabukasan paggising mo maganda ang panahon
Repeat Chorus x2
BRIDGE
ilan pa bang mga salita upang kami ay marinig
sa panawagang di pinapansin
kailan kaya mapakikinggan ang bawat isa ah...
na matagal nyo nang binalewala
Repeat Chorus
T.B.M. Pro - Boses Ng Kalikasan Şarkı Sözüne henüz yorum yapılmamış. T.B.M. Pro - Boses Ng Kalikasan şarkı sözüne ilk yorumu siz yaparak katkıda bulunabilirsiniz.;